Pumanaw na ang British actor na si Michael Gambon, 82.
Ayon sa publicist nitong si Clair Dobss na hindi na niya nakayanan ang sakit na pneumonia at nalagutan na ng hininga sa pagamutan.
Nakilala siya sa pagganap bilang si professor Albus Dumbledore sa pelikulang “Harry Potter” franchise.
Nagsimula ang kaniyang acting noong dekada 60 sa TV at sa pelikula.
Ilan sa mga TV series na kung saan ito gumanap ang “The Cook, the Thief, His Wife & Her Lover” noong 1989 at “The King’s Speech” noong 2010.
Isinilang noong Oktubre 19, 1940 sa Dublin bago nailipat sa Camden sa London.
Umalis ito sa pag-aaral sa edad 15 at naging miyembro ng amateur theater group .
Nagwagi ito ng tatlong Olivier Awards at dalawang ensemble cast Screen Actors Guild Awards para sa “Gosford Park” at “The King’s Speech” noong 2001.
Ikinasal kay Anne Miller noong 1962 at nagka-anak sila hanggang mayroon pa itong isang partner na isang set designer Philippa Hart at nagka-anak sila ng dalawa.