-- Advertisements --
Binawasan na ng Britanya ang kanilang tulong sa Yemen.
Ayon sa UK government, na mula sa dating $297 million ay magiging $120-M na ang tulong nila ngayong taon.
Isang dahilan ng UK government ay labis na naapektuhan sila sa COVID-19 pandemic.
Kinondina naman ni United Nation Chief Antonio Guteres ang nasabing hakbang ng UK government.
Mula pa kasi noong 2014 ay nagsimula ang kaguluhan ng sinakop ng rebelde ang malaking lugar ng bansa.
Nasa 20 milyon katao sa Yemen ang umaasa sa tulong mula sa ibang bansa.