Binalaan ng Britanya si Russian President Vladimir Putin na mahaharap sila sa matinding kaparusahan kapag gumamit ang mga ito ng nuclear weapons sa Ukraine.
Sinabi ni British Foreign Secretary James Cleverly na dapat ay itigil na rin ng Russia ang pag-ipit sa mga biyahe ng mga trigo.
Hindi napapanahon na gumamit ng nuclear weapons dahil sa walang bantang natatanggap ang Russia lalo na si President Vladimir Putin.
Maliaw aniya sa mga nagdaang pag-uusap na ang paggamit ng nuclear ay siyang magbabago ng pakikipaglaban.
Nauna ng inakusahan din ng Russia ang Britanya na sila ang may kagagawan ng pagpapasabog ng Nord Stream gas pipelines noong nakaraang buwan.
Makailang ulit na ring itinanggi ng Russia na gagamit sila ng nuclear weapons sa paglaban nila sa Ukraine.