KORONADAL CITY – Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng kapulisan sa nangyaring insidente ng pamamaril sa Brgy. Koronadal Proper na nagresulta sa pagkamatay ng isang barangay kagawad habang nasa kritikal na kondisyon naman ang isang barangay tanod.

Sa panayam ng Bombo Radyo Koronadal, kinilala ni Polomolok PNP deputy chief of police Capt. Rommel Hitalia ang nasawi na si Brgy. Kagawad Emman Macabangin, habang ang sugatang tanod ay si Romeo Gasparin na kapwa residente ng nabanggit na lugar.

Ayon kay Hitalia, lumabas sa kanilang imbestigasyon na pinaulanan ng bala ang mga biktima ng pinaniniwalaang riding in tandem habang nagbabantay sa quarantine checkpoint at agad tumakas papuntang Brgy. Sulit sa nabanggit na bayan.

Dead on the spot si Macabangin habang kritikal naman ang barangay tanod.

Sinasabing personal grudge ang tinitingnang motibo ng kapulisan sa nasabing pamamaril.

Napag-alaman na una nang nakaligtas sa pamamaril ang nasawing opisyal ng barangay.