BUTUAN CITY – Patuloy na pinaghahanap ng mga otoridad sa Sison, Surigao del Norte, ang isang barangay kagawad at isang CAFGU (Citizen Armed Force Geographical Unit) member matapos mapaulat na nawawala.

Nakilala ang mga nawawala na sina Bertoldo Rangas, 40-anyos na residente at kagawad ng Barangay Gacepan; at Elmer Madrona, 35, na nadestino sa CAFGU detachment ng Barangay Mayag ng bayan ng Sison.

Ayon sa mga kaanak ng mga biktima, sakay umano sila sa isang motorsiklo papuntang Barangay Mayag ngunit hindi na nakauwi pa.

Natagpuan naman sa isinagawang search operation sa boundary pa lang ng Barangay Mayag at ng Barangay San Isidro ang motorsiklo na abandonado na.

Pinaghihinalaang dinukot ang mga ito ng rebeldeng New People’s Army.

-- Advertisement --