Dead on arrival sa San Juan District Hospital ang  isang  Barangay chairman ng San Juan, Batangas matapos pagbabarilin ng hindi pa nakilalang suspek bandang alas-9:00 kagabi.

Kinilala ng Batangas Police Provincial Office ang biktima na si Mario Sulit, chairman ng Barangay Hugom, San Juan.

Batay sa ulat ng CALABARZON PNP na  papasok na sa garahe ng kaniyang bahay si Sulit ng bigla ng lamang ito pagbabarilin ng suspek, gamit ang caliber .40 na kaagad namang tumakas sakay ng motorsiklo patungo sa direksiyon ng Barangay Lobo.

Iniimbestigahan na ngayon ng San Juan, Batangas PNP ang motibo ng krimen.