-- Advertisements --

Nagpasya ang singer na si Bret Michaels na kanselahin ang kaniyang performance sa “Freedom 250” na pinangunahan ni US President Donald Trump.

Inanunsiyo ng dating frontman ng Poison ang nasabing pag-atras sa performance sa ika-250 kaarawan ng US.

Sa kaniyang social media account ay inamin niyang siya ay nalito at hindi agad nabigyan ng tamang impormasyon kaya nakapag-book agad siya.

Subalit matapos na ipaliwanag sa kaniya na ang nasabing konsiyerto ay dahil sa pinangunahan ni Trump ito ay nagpasyang umatras na.

Magugunitang ilang mga singers at artist na rin ang umatras matapos ang hindi pagsang-ayon sa mga prinsipyo ni Trump na ito ay kinabibilangan nina Martina McBride, Young MC, Morris Day at ang The Commodores.