Kaisa rin ng ilang local at Hollywood celebrity mommies ang mga ordinaryong nanay pagdating sa pagdiriwang ng World Breastfeeding Week.
Tulad na lamang ni Anne Curtis na kumbinsidong ang exclusive breastfeeding ang pinaka-epektibong pagpapakain sa mga newborn baby hanggang sa mag-dalawang taong gulang na ang mga ito.
Ito aniya ang dahilan kaya patuloy na titiyagain ang pagpapasuso sa ngayo’y five months old baby nila ni Erwan Heusaff.
Para naman sa 27-year-old actress na si Max Collins, “magical yet physically draining” ang kanyang karanasan kaya hanga siya sa mga ina na mayroong kambal na pinapasuso.
Aniya, kakaunti lamang ang lumalabas na breastmilk nito pero gagawing inspirasyon ang mga kapwa nanay na hindi sumusuko.
Kamakailan lang nang ibinida ng American TV plus size model na si Ashley Graham ang kanyang breastfeeding skills at plano itong ipagpatuloy sa mas matagal na panahon.
Nag-post pa ito mismo ng maiksi ngunit malinaw na video habang nagpapasuso sa 6 months old niyang si baby Isaac.
Proud din si Graham kahit minsan ay gumagamit ng breast pump pero ito aniya ay kasabay ng pagsagot sa mga email kaugnay sa trabaho.
Kung maaalala, naging tampok si Ashley sa 2018 Miss Universe coronation sa Thailand kung saan kinoronahan ang Pinay bet na si Catriona Magnayon Gray, habang siya ay behind-the-scenes host.
Una nang inanunsyo ng Department of Health (DOH) ang tema ng Breastfeeding Awareness Month na “I-BIDA ang Pagpapasuso Tungo sa Wais at Malusog na Pamayanan.”
Katumbas nito ang apat na mensahe para sa pagpapasuso pa rin sa gitna ng coronavirus pandemic sa bansa.
Una pa rin dito ang letrang “B” o “bawal” magpasuso nang walang mask kung may sintomas o exposure sa deadly virus.
Kahit kasi wala namang banta ng virus sa gatas ng ina, may posibilidad na tumalsik ang laway kung walang suot na face mask.
Ang “I” ay “i-sanitize ang mga kamay bago magpasuso.”
Pangatlo ang “D” o “distansya ng isang metro mula sa iba kung magpapasuso.”
Panghuli ang A- “alamin ang mga tamang impormasyon tungkol sa pagpapasuso.”