-- Advertisements --

Tiwala si Brazilian President Jair Bolsonaro na kaagad siyang gagaling sa coronavirus disease sa tulong ng anti-malarial drug na hydroxychloroquine kahit hindi pa napapatunayan ang pagiging epektibo ng gamot.

Sinabi ito ni Bolsonaro matapos makumpirma na positibo ito sa deadly virus. Magugunita na ilang ulit binalewala ng pangulo ang panganib na dulot ng sakit sa kabila ng patuloy na pagtaas ng kaso sa kaniyang bansa.

Sa ibinahaging video ni Bolsonaro sa kaniyang official Facebook account, ipinakita ng Brazilian president ang pag-inom nito sa kaniyang ikatloing dose ng hydroxychloroquine na una na ring ipinagmalaki ni US President Donald Trump.

Batid aniya na iba’t ibang pharmaceutical companies na sa buong mundo ang nagtutulong-tulong upang makagawa ng gamot kontra COVID-19 ngunit hindi raw maikakaila na kahit isa sa mga gamot na ito ay hindi pa scientifically proven.

Sa ngayon ay mahigit 1.6 milyong katao na sa Brazil ang tinatamaan ng deadly virus kung saan 66,868 na ang namamatay.

Sa kabila kasi ng banta ng COVID-19 sa naturang bansa ay hindi nagpatinag ang 65-anyon na presidente na makipagkita sa kaniyang mga taga-suporta na walang suot na mask