-- Advertisements --

Binatikos ni Brazilian President Jair Bolsonaro ang actor na si Leonardo DiCaprio.

Nanawagan kasi ang Hollywood actor na isa ring environmetalist sa mga kabataan ng Brazil na bumuto sa halalan ngayong taon.

Sa Twitter ni DiCaprio, sinabi nito na ang Brazil ay lugar ng mga Amazon rainforest at ilang mga ecosystem na nanganganib na dahil sa climate change at maliligtas lamang ito sa pamamagitan ng tamang pagboto ng mga kabataan.

Dahil dito ay sarkastikong pinasalamatan ni Bolsonario ang actor kung saan sinabi nito na ang kaniyang mga tao ang magdedesisyon kung papanatilihin ang kanilang soberanya.

Noong 2019 kasi ay nagbigay ng $5M ang actor para sa malawak na proteksiyon ng Amazon rainforest.

Sinisi ng mga conservationist si Bolsonario at ang gobyerno nito dahil sa pagiging bulag sa mga magsasaka at mga illegal loggers kung saan inakusahan sila ng deforestratioin para umano maiwasan ang malawakang taggutom.