-- Advertisements --
Nagpositibo sa coronavirus ang maybahay ni Brazilian President Jair Bolsonaro na si Michelle.
Inanunsiyo ito ng gobyerno ng Brazil matapos ang limang araw na gumaling na ang pangulo nila.
Nasa mabuting kalagayan naman daw umano ang 38-anyos na first lady ng Brazil.
Kasalukuyan umano ito ginagamot ng medical team ng pangulo.
Magugunitang nahaharap sa kritisismo ang 65-anyos na pangulo ng Brazil dahil sa pagbalewala ng mga health protocols para maiwasang tumaas ang kaso ng Brazil.