-- Advertisements --

Nagpositibo sa COVID-19 ang Health Minister ng Brazil na dumalo sa United Nations general Assembly sa New York City.

Inanunsiyo ito mismo ng opisina ng pangulo ng Brazil.

Ayon sa isang statement, bahagi si Health Minister Marcelo Queiroga ng Presidential Committee ni Jair Bolsonaro na kasalukuyang nasa mabuting kalagayan habang ang ibang miyembro ng delegasyon ng Brazil ay nagnegatibo naman sa covid19.

Dahil dito mananatili si Qaueiroga sa New York hanggang sa matapos ang kaniyang 14days quarantine habang kinansela na ng ilang miyembro ng delegasyon ang kanilang partisipasyon dahil sa panganib na mahawaan ang ibang mga delegasyon mula sa ibang bansa.

Nasa mahigit 100 lider ng mga bansa ang dumalo ng personal sa UN general Assembly kung saan karamihan sa mga ito ay hindi pa bakunado.

Sa kabila nito, ayon sa tagapagsalita ng UN Sec. General na may nakalatag na contact tracing protocol sakaling tumaas ang mga kaso sa headquarters ng UN.