Nakapagtala ang Brazil at Spain ng unang death o nasawi mula sa monkeypox.
Isang 41-anyos na lalaki ang unang nasawi mula sa naturang virus sa labas ng Africa.
Ayon sa health ministry ng Brazil, nakaranas ang biktima ng lymphoma at paghina ng kaniyang immune system at may commorbidities na nagpalala ng kaniyang kondisyon.
Sa kasalukuyan, nakapagtala ang Brazil ng 1,066 kumpirmadong kaso at 513 suspected cases ng virus kung saan lumalabas na mahigit 98% ng kumpirmadong kaso ay mga kalalakihan na nakipagtalik sa kapwa lalaki.
Sumunod naman ang Spain na nag-anunsiyo ng unang death case ng Monkeypox sa kanilang bansa na itinuturing din na kauna-unahang pagkasawi mula sa viral disease na naitala sa Europa.
Iniulat ng health ministry ng Spain na nasa 3,750 ang dinapuan ng monkeypox kung saan 120 dito ang nasa ospital bagamat hindi na nagbigay pa ng karagdagang detalye sa unang pasyenteng nasawi sa monkeypox.
Base sa datos mula sa US Centers for Disease Control and Prevention, mayroon ng kabuuang 21,148 cases sa buong mundo.