Maagang tinapos ng House Appropriations Panel ang budget ng deliberations ng Office of the President (OVP).
Personal na dumalo sa budget briefing ng house Appropriations panel si Vice President Sara Duterte para depensahan ang kanilang budget para sa taong 2026 na nasa P902.895 million.
Mismong si VP Sara ang nag presenta sa budget ng kaniyang opisina.
Solong dumalo si VP Sara sa pagdinig sa kanilang budget at wala siyang kasama na iba pang mga opisyal.
Sinabihan kasi ni VP Sara ang kaniyang mga opsiyal na huwag na duumalo para hindi ma trauma kahalintulad na nangyari nuong nakaraang budget deliberation.
Alas-9:17 ng dumating si VP Sara sa Romualdez hall at sinalubong siya ni Appro panel chair rep. Mikaela Suansing ng OVP budget sponsor na si palawan 2nd District Rep. Jose Alvarez.
Hindi tumagal ang budget deliberation ng OVP dahil binigyan ito ng parliamentary courtesy.
Gayunpaman tumanggap ng ilang katanungan si VP Sara mula sa minority.
Sa interpelasyon sa pangalawang Pangulo hindi nito sinagot ang isyu na tanong ni ACT Teachers Partylist Rep. Antonio Tinio kaugnay sa confidential funds.
Tugon ni VP Sara dito hindi niya ito masagot dahil may pending motion ito sa Korte Suprema.
Ang 2026 proposed budget ng OVP ay mas mataas kumpara na nasa P733 million na inaprubahan nitong 2025.