-- Advertisements --

DAVAO CITY – Isinailalim na sa lockdown ang isang Business Process Outsourcing (BPO) sa Lungsod ng Davao matapos na 46 na call center agents nito ang tinamaan ng Coronavirus Disease (COVID).

Ayon sa Davao City COVID Task Force, tumataas ang bilang ng mga call center agent na nagpopositibo sa deadly virus.

Nagkaisa naman ang District Health Officer, Sanitation Team, Philippine National Police, at barangay council sa pagpapatupad ng lockdown sa naturang kompanya para mapigilan ang patuloy na hawaan ng virus.

Bigo rin umano na makapagsumite ang kompanya sa district health officer ng eksaktong bilang ng listahan ng mga close contact .

Una nang sinabi ni Davao City Mayor Inday Sara Duterte-Carpio na kabilang ang mga BPO companies at iba pang workplaces sa mga nakakapagtala ng mataas na bilang ng tinatamaan ng COVID sa lungsod.

Nagsasagawa na rin ng contact tracing sa mga huling nakasalamuha ng mga empleyado at kasalukuyan nang naka-isolate ang mga ito.