-- Advertisements --

Nakatakdang magbanggaan sa isang exhibition bout ang dalawang dating boxing superstars na sina Miguel Cotto at Juan Manuel Marquez.

Ito ay nakaraang lumutang ang impormasyon na ang dalawang retired at mga dating four-division world champions ay muling aakyat ng ring sa June 12 nitong taon.

Wala pa namang inilalabas na mga detalye ang mga  organizers.

Ang paglutang ng naturang balita ay kasunod din nang balakin ni boxing legend Oscar de la Hoya na magkaroon din ng comeback fight.

Kung maalala ang 40-anyos ngayon na si Cotto ay tinalo noon ni Sen Manny Pacquiao.

-- Advertisement --

Habang ang 47-anyos na si Marquez    ay apat na beses na na kalaban noon ni Pacman kabilang na ang iconic fight noong taong 2012 kung saan na-knockout ang pambansang kamao.