BACOLOD CITY – Nagtuturo na lang muna bilang coach ang ilang boxing athletes para may kitain sa gitna ng COVID-19 pandemic at pandagdag din sa 50% na allowance.

Sa panayam ng Star FM Bacolod kay Criztian Pitt Laurente, marami aniyang boxers ang kumikita lang kapag may laro at dahil kanselado lahat ng mga laban nila ay naghahanap sila ng paraan upang magkapera.

Kaya naman, naisipan niya rin daw na hikayatin ang iba pang kasamahang boksingero na magturo sa mga gustong matuto ng boxing.

Kung maalala, si Laurente ang tinaguriang Best Junior Boxer in Asia noong 2016.

Kabilang naman sa mga naturuan niya ng boxing ngayong panahon ng pandemic ay ang sikat na actress na si Beauty Gonzales.