KALIBO, Aklan – Kumpyansa ang isang boxing analyst sa lalawigan ng Aklan na maibulsa ni Senator Manny “Pacman” Pacquiao ang kampeonato laban kay Keith Thurman sa weltertweight title showdown na magaganap ngayong Linggo sa MGM Grand Garden Arena sa Las Vegas, Nevada.

Ayon kay Christ Indimni, kahit wala mang knock-out na mangyayari ay tiyak na mapasakamay pa rin ng fighting senator ang tagumpay.

Malaki aniya ang lamang ni Pacman sa mga naging karanasan nito sa mga nakaraan niyang laban kaya tiyak umano na mapapataob nito si Thurman.

Samantala, ang kakayahan, lakas at bilis sa ibabaw ng boxing ring ng Pambansang Kamao ang nakikitang sandata ni Indimni upang mapabagsak ang 30-year-old na boksingero.