Macallan 1926
Macallan 1926

Naibenta sa isang auction sa halagang $1.9 million (estimated P95 million) ang isang bote ng whiskey.

Ang Macallan Fine and Rare 60-Year-Old 1926 ay naibenta sa auction sa London.

Itinuturing ito na ang pinakamahal na boteng nabili sa auction.

Nahigitan nito ang kaparehas na bote na naibenta rin noon na nagkakahalaga naman ng $1.2 million sa Christies auction sa London.

Hindi naman na binanggit pa ng auction house ang nakabili ng tinaguriang pinakamahal na bote ng alak sa buong mundo.