Nakaisa na rin nang panalo ang Boston Celticss matapos makabawi sa Game 3 laban sa Miami Heat, 117-106.

Sa kabila nito abanse pa rin sa serye sa Eastern Conference finals ang Heat, 2-1.

Sa pagkakataong ito hindi na hinayaan pa ng Boston na makalamang ang karibal na team hanggang sa pagtatapos ng game.

Kumayod ng husto sina Jaylen Brown na may 26 points, Jayson Tatum na nagdagdag ng 25, Marcus Smart na tumulong sa 20 points at si. Kemba Walker na nagtapos sa 21 puntos.

Mistulang nagkaroon na ng aral ang Boston mula sa kanilang dalawang pagkatalo at pag-collapse sa huling sandali.

Sa panig ng Miami nasayang ang ginawa nina Bam Adebayo na umeksena sa 27 points at 16 rebounds, Tyler Herro na nagpakitang gilas sa 22 points, Jimmy Butler na may 17 at si Duncan Robinson may 13.

.