Napili bilang brand ambassador ng MARSTEK Philipines ang sikat na financial social media personality na si Boss RDR.
Binigyang halaga ni Reymond “Boss RDR” delos Reyes, na isang malaking alalahanin ng mga Pilipino lalo na ang mga negosyante ang mataas na singil ng kuryente at ang inasahang pagbawas ng suplay ng kuryente ng kuryente dahil sa inaasahang banta ng super El Niño sa bansa.
Bilang pinakabagong Brand Ambassador at Content Collaboration Partner ng MARSTEK Philippines ay tiniyak ni Boss RDR ay tutulong ito sa pamamagitan ng paggawa ng content na may matuturan ang mga viewers at followers nito.
Kabilang na dito ang matalinong pmamaraan ng energy storage, backup power at energy management na kayang-kayang ibigay ng mga produkto ng MARSTEK Philippines.
Dahil sa collaboration ng MARSTEK Philippines ay madali na at maiwasan ang teknikal na pagpapaliwanag ni Boss RDR lalo na ang pagbibigay ng solusyon gaya ng energy storage at backup power na maaring magamit sa pang-araw-araw na buhay n mamamayan.
Ipinagmalaki ni Boss RDR na sa pagdating na ng makabagong teknolohiya na dala ng MARSTEK ay lalong magiging sulit na ang pag-iimbak ng mga kuryente.
Sa ngayon ay patuloy ang pagpapalawak ng MARSTEK Philippines sa lokal na merkado sa bansa para mas lalong matutunan ng maraming mga Pilipino kung paano sila makagawa, makapag-ipon para sa enerhiya na kanilang kailangan sa araw-araw na pamumuhay.














