-- Advertisements --
Pasok na sa knockout stages ng FIFA World Cup ang Bosnia sa unang pagkakataon matapos na talunin nila ang Qatar 3-1 sa final Group B match.
Gaya sa nagdaang apat na taon noong naging host sila ng World Cup ay tanggal na rin sa group stage ang Qatar.
Nagpamangha sa mga football fans ang pagpasok sa goal ng pinakabatang World Cup player ng Bosnia na 18-anyos na si Kerim Alajbegovic.
Habang tanging si Qatar goalkeeper Mahmoud Abunada ang unang nagtala ng goal.
Hindi naman nagpatinag si Ermin Mahmic ng Bosnia ang laro ng maipasok nito ang goal sa natitirang 80th minuto.
Mabilis din na naipasok ni Edin Dzeko ng Bosnia ang goal hanggang maubos ang oras.
















