-- Advertisements --

KALIBO, Aklan —- Kinilala ang Isla ng Boracay bilang isa sa mga nangungunang tourist destination sa Most Sustainable Stays for 2022.

Ito ay batay sa isinagawang survey ng Booking.com, isa sa pinakamalaking travel marketplace sa buong mundo.

Ang Boracay ay isa sa nangungunang tourist destination sa bansa na nagsasagawa ng sustainable eco-tourism practices upang maiwasan ang pagkasira nito.

Ang naturang survey ay may kabuuang 30,314 respondents mula sa 32 bansa at rehiyon na isinagawa noong Pebrero 2022.