KALIBO CITY – Pinaiimbestigahan na rin sa Kamara ang insidente ng tumaob ang bangkang sinasakyan ng Boracay Dragon Boat Team kung saan pito ang nasawi.

Nakasaad sa House Resolution No. 385 na inihain ni Aklan Rep. Carlito Marquez ang panawagang masilip ang nangyaring trahedya.

Nais pagpaliwanagan ng kongresista ang Philippine Dragon Boat Federation hinggil sa kanilang mga panuntunan sa oras ng pagsasanay.

Kung maaalala, pitong atleta ng patay habang nasa gitna ng pagsasanay para sa isang international competition sa Taiwan.

Sa ngayon nananatili ang suspensyon sa ano mang dragon boat activities sa Boracay, batay na rin sa utos ng Department of Environment and Natural Resources.