-- Advertisements --

Pinaghahanda na ng lokal na pamahalaan ng lungsod ng Makati para sa bakunahan ng booster shot ang mga residente nitong senior citizens na may kumpletong bakuna na laban sa COVID-19 virus sa nakalipas anim na buwan.

Bukod sa mga senior citizens ay kwalipikado rin na makatanggap ng COVID-19 booster shot ang mga indibidwal na may comorbidities bilang karagdagang proteksyon na rin ng mga ito laban sa nakamamatay na virus.

Ayon sa lokal na pamahalaan ay posibleng maging available na ngayong linggo sa lungsod ang mga booster shot vaccine habang hinihintay anila ang mga susunod pang anunsyo ng Makati City health authorities ukol dito.

Samantala, Sa kabila nang unti-unting pagbaba ng bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa ay patuloy pa rin na pinaalalahanan ng Department of Health (DOH) ang publiko na huwag makampante at patuloy na sumunod ito sa mga ipinaiiral na minimum health protocols sa bansa upang makaiwas sa panganib na dala ng COVID-19 virus. (Marlene Padiernos)