CENTRAL MINDANAO-Binawian ng buhay ang isang boomtruck operator ng itoy makuryente sa probinsya ng Sultan Kudarat.

Nakilala ang biktima na si Longinos Auganan Clemencio,42 anyos,may asawa at nakatira sa Yakal Street,Poly Subdivision,Matina Crossing, Davao City.

-- Advertisement --

Ayon sa ulat ng President Quirino PNP na habang may inaayos ang boomtruck installer ng PLDT post/line, sa Purok Bagong Silang, Barangay Katiku, President Qurino,Sultan Kudarat.

Aksidente umanong nasagi ng boom truck ang linya ng kuryente ng Sultan Kudarat Electric Cooperative (SUKELCO) dahilan para makuryente ang biktima.

Naisugod pa ang biktima sa pagamutan ngunit hindi na ito umabot ng buhay.

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng President Quirino MPS sa naturang pangyayari.