Reading Time: 1 minute

ROXAS CITY – Tumanggap ng parangal mula sa Department of Health (DOH) – Western Visayas ang himpilan ng Bombo Radyo Roxas bilang “Top Performing Media Entity” sa Capiz.

Ayon sa DOH Center for Health Development, pagkilala ang award sa taunang Dugong Bombo na programa ng himpilan.

Kaakibat ng Bombo Radyo Roxas ang DOH sa nasabing annual blood letting activity.

Noong 2018 nang makaipon ng halos 400 blood bags ang himpilan matapos mag-donate ang mga residente at listeners nito sa Bombo Radyo Roxas.

Kabilang ang parangal ng himpilan sa Non-Local Government Unit category ng Regional Sandugo Awards.