Muling nakuha ng Bombo Radyo Philippines ang titulo bilang Most Trusted Radio Network in the Country.
Batay sa inilabas na 2024 Pahayag First Quarter survey ng Publicus Asia Inc., sa mga nangungunang media outfit, Bombo Radyo ang una sa mga radio networks na may nationwide scope.
Pasok din sa survey ang malalaking TV networks at broadsheet na may national circulation.
Una nang nakamit ng Bombo Radyo ang nasabing pagkilala nitong mga nakalipas na taon.
Nabatid na isinagawa ang survey sa unang bahagi ng taon, kung saan tinanong ang mga adult individuals sa iba’t-ibang bahagi ng ating bansa.
Maliban dito, marami pang pagkilala ang nakamit ng network sa mga nakalipas na taon, maliban pa sa mga bukod na pagkilala sa mga personalidad na bahagi ng Bombo Radyo Philippines.