ILOILO CITY – Hindi nalimutan ng Filipina-American na pasalamatan ang Bombo Radyo Philippines matapos mabigyan ng pagkakataon na ibahagi ang kanyang karanasan sa pagkandidato bilang councilor sa La Palma City, Orange County, California sa Amerika.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay April Kamilah Bautista na isa ring registered Democrat, sinabi nito na ipinanganak siya sa La Palma City ngunit taga-Nueva Vizcaya ang kanyang ina at taga-Ilocos Sur naman ang kanyang ama.

Ayon kay Bautista, kapag nanalo siya bilang konsehal, nais niyang matulugan ang mga undocumented Pinoy sa kanilang lugar.

Isang magandang pagkakataon aniya ang panayam ng Bombo Radyo Philippines upang maipaabot a mga nakikinig na Pinoy ang kanyang plataporma.