-- Advertisements --

Tulad sa mga nakalipas na taon, wagi muli ang Bombo Radyo at Star FM sa idinaos na 43rd Catholic Mass Media Awards (CMMA).

Iginawad sa Bombo Radyo Tuguegarao ang Best Public Service Program para sa kanilang “Zona Libre,” habang Best News Feature ang nasungkit ng Bombo Radyo Iloilo para sa Bombo Special Report.

Nakuha naman ng Star FM Manila ang Best News Feature para sa “Babae sa Gitna ng Pandemya” at mayroong special citation sa iba pang news features.

Nagwagi bilang Best Entertainment Program ang Star FM Bacolod sa “The Perfect 10 Countdown,” habang Best News Program ang Star FM Baguio sa kanilang “Top of The Hour News.”

Special citation din ang nakuha ng Bombo Radyo Bacolod sa Best Counseling Program na “Kahapon Lamang.”