Muling namayagpag ang mga palatuntunan at iba pang entry ng Bombo Radyo at Star FM stations sa ginanap na 41st Catholic Mass Media Awards (CMMA) na ginanap sa GSIS Building, Pasay City.

Sa best news feature, wagi ang “Jueves Santo” entry ng Star FM Davao, habang binigyan ng special citation ang “Mother’s Day” special ng Star FM Manila.

Sa best educational program, nanalo ang “Bombo Lifestyle” ng Bombo Radyo Iloilo.

Habang ang best drama program ay naiuwi naman ng “Genesis” na lahok mula sa Star FM Manila.

Maliban dito, 15 iba pang Bombo Radyo at Star FM programs ang pasok din bilang finalist sa naturang prestihiyosong CMMA.