-- Advertisements --

Tinambakan ng Meralco Bolts 74-51 ang Magnolia Hotshots sa nagpapatuloy na PBA Philippine Cup na ginanap sa PhilSport Arena.

Ito na ang pangalawang sunod na panalo ng Bolts na mayroong limang panalo at limang talo kung saan mayroon pa silang isang larong natitira p ara sa eliminationa round schedule.

Habang ang Hotshots ay nagtala ng dalawang sunod na talo at may record na limang panalo at apat na talo.

Nagtala ng 12 points at 11 rebounds si Raymond Almazan habang mayroong 12 points, walong rebounds at pitong assists si Chris Newsome.