-- Advertisements --

Inaasahang maramdaman ang mainit at maalinsangan na kondisyon ng panahon sa karamihang parte ng bansa sa darating na linggo, ayon sa pahayag ng state weather bureau.

Maaari namang magdulot ito ng posibleng mga pag-ulan at kidlat sa hapon o gabi.

Inaasahan din na magkaroon ng matinding mga pag-ulan at kidlat sa ilang lugar sa Mindanao sa Lunes at Martes at sa Northern at Central Luzon naman mula Lunes hanggang Sabado.

Sa Metro Manila, inaasahang mainit at maaraw na panahon sa tanghali na may posibleng mga pag-ulan at kidlat sa hapon o gabi bawat araw sa buong Linggo.

Dagdag pa ng state weather bureau, maaaring makaapekto ang shear line sa Northern Luzon mula Miyerkules hanggang Sabado.