-- Advertisements --

Pinatumba sa loob lamang ng isang round ni dating two-division boxing champion Marlon Tapales si Nattapong Jankaew ng Thailand.

Dahil sa panalo ay nakuha ng Pinoy boxer ang WBC Asian Continental super bantamweight title sa laban na ginanap sa Midas Hotel and Casino sa lungsod ng Pasay.
Sa pagsisimula ng laban ay agad na pinaulanan ni Tapales ang kalaban ng mga suntok kung saan dalawang beses pa niya ito ng napatumba.

Nakita ng referee ang pagtulo ng dugo ng Thailand boxer ng ito ay bumagsak sa 2:15 na oras sa round one kaya niya itinigil ang laro.

Mayroon ng record ngayon si Tapales ng 38 panalo at apat na talo na mayroong 20 knockouts habang si Jankae ay mayroong 12 panalo at apat talo na may walong knockouts.

Nabigo naman ang Pinoy boxer na si Reymart Gaballo sa kamay ni Kenbun Torres ng Mexico.

Pinatigil na rin ng referee ang laban sa loob ng 2:33 sa round one ng mapatumba si Gaballo.