Hindi bababa sa 34 ang nasawi at 16 pa ang nawawala matapos tamaan ng flash floods at cold lava flow mula sa isang bulkan ang western Indonesia ayon sa isang local disaster official.
Ilang oras na malakas na ulan ang nagdulot ng baha sa dalawang distrito sa lalawigan ng West Sumatra noong Sabado ng gabi at nagdala ng abo at malalaking bato mula sa Bundok Marapi, pinaka aktibong bulkan sa arkipelago ng Sumatra island.
ayon kay Ilham Wahab, tagapagsalita ng West Sumatra disaster agency, sa ngayon, batay sa kanilang datos, 34 katao ang namatay: 16 sa Agam at 18 sa Tanah Datar. Mayroon ding hindi bababa sa 18 na sugatan. At patuloy pa rin silang naghahanap para sa 16 iba pa.
Tinamaan ng flash floods at cold lava flow ang mga distritong Agam at Tanah Datar bandang 10:30 ng gabi (1530 GMT) noong Sabado, ayon sa Basarnas search and rescue agency.
Ang cold lava, na kilala rin bilang lahar, ay ang volcanic material tulad ng abo, buhangin, at mga bato na dala pababa sa mga taluktok ng bulkan dahil sa ulan.
Una nang sinabi ng Basarnas na 12 katao ang namatay kabilang ang ilang mga bata.