-- Advertisements --

Walang babaguhin sa laro si New York Knicks coach Tom Thibodeau

sa Game 3 nila ng Indiana Pacers sa Eastern Conference semifinals.

Kahit na sa homecourt ng Pacers gaganapin ang Game 3 ay pinanghahawakan pa rin ng Knicks ang kanilang 2-0 na kalamangan.

Isa kasi sa naging susi ng dalawang panalo ng Knicks ay si Jalen Brunson kung saan mayroong average points ito na 35.6 points per game.

Tiwala naman si Pacers coach Rick Carlisle na dahil sa kanilang home court gaganapin ang Game 3 ay magiging balanse na ang officiating.