-- Advertisements --

Tinambakan ng Meralco Bolts ang Converge FiberXers 90-74 sa nagpapatuloy na 2022 PBA Philippine Cup.

Naging bida sa panalo si Aaron Black na nagtala ng 25 points, habang mayroong 22 points si Allein Maliksi at 19 points naman si Chris Newsome.

Nag-ambag naman ng 14 points si Taylor Browne at double-double ang naitala ni Jeo Ambohot na mayroong 10 points at 11 rebounds.

Ito na ang pangatlong pagkatalo ng Converge mula ng magsimula ang conference.