Pinahiya ng Meralco Bolts ang TNT Tropang Giga 109-95 sa naging paghaharap nila ng 2023 PBA Commissioner’s Cup sa PhilSport Arena sa lungsod ng Pasig.
Nanguna sa panalo ng Bolts ang kanilang import na si Suleiman Braimoh na mayroong 37 points, 10 rebounds, tatlong steals at dalawang assists habang si Chris Banchero ay mayroong 18 points, apat na assists at dalawang rebounds.
Nakapag-ambag naman sa laro si Bong Quinto na mayroong 13 points at tig-12 puntos naman ang naitala nina Cliff Hodge at Chris Newsome.
Dominado ng TNT ang unang tatlong quarters hanggang makabawi ang Bolts sa huling quarter ng laro.
Nasayang naman ang nagawang 47 points ni Rondae Hollis-Jefferson at ang 19 points at limang assists ni Jayson Castro.
Mayroon ng tatlong panalo at isang talo ang Bolts habang ang TNT ay mayroong dalawang panalo at dalawang talo.