-- Advertisements --

Pasok na sa semifinals ng 2022 PBA Philippine Cup ang Meralco Bolts matapos ilampaso ang Barangay Ginebra 106-104 sa kanilang best-of-three quarterfinals.

Tila nakabawi ang Bolts sa Ginebra dahil sa makailang beses ng paghaharap nila ay hindi sila nakaporma kung saan ang huli ay noong Governor’s Cup Finals.

Umabot pa sa 21 points ang naging kalamangan ng Bolts subalit hindi sila ng pakampante.

Nakahinga na lamang ang Bolts ng maluwag ng ma-fouled out si Scottie Thompson sa ilang minutong natitira sa last quarter.

Nanguna sa panalo ng Bolts si Chris Newsome na nagtala ng 21 points, 10 rebounds at 12 assists habang mayroong 17 points si Aarong Black at 13 points, 18 rebounds naman ang naitala ni Cliff Hodge.