-- Advertisements --

Nalusutan ng Meralco Bolts ang matinding depensa ng Rain or Shine 77-73 sa kanilang paghaharap sa 47th PBA Philippine Cup.

Nanguna sa panalo si Aaron Black na nagtala ng 20 points habang mayroong 19 points ang nagawa ni Alein Maliksi.

Tumayong coach pansamantala si deputy Ronnie Magsanoc dahil nagtungo sa US si Black para bisitahin ang ina na may sakit.

Mayroon na ngayonag apat na panalo at tatlong talo ang Bolts.