-- Advertisements --

Pumanaw na ang kilalang actor sa India na si Sidharth Shukla sa edad 40.

Hindi naman binanggit ng kampo nito ang sanhi ng kamatayan ng Bollywood actor.

Nagpaabot naman ng pakikiramay ang mga fans at kasamahan nito sa showbiz sa India matapos na mabalitaan ang pagpanaw ng model-actor.

Nagsimula si Shukla bilang model at siya ang unang Indian na nanalo ng “Best Model of the World” contest noong 2005.

Taong 2008 ay sumabak siya sa acting sa pelikula at sa telebisyon.

-- Advertisement --