-- Advertisements --

Sinuspendi na ni Bohol Governor Aris Aumentado ang mga motorbanca na bumabiyahe sa Virgin Island sa Panglao.

Kasunod ito ng reklamo ng ilang turista na masyadong mahal ang mga binili nilang pagkain.

bohol gov

Sa social media post ng gobernador, naalarma sila ng makarating sa kanila na aabot sa mahigit P26,000 ang binayaran ng isang grupo ng turista na bumisita sa isla.

Magpapatawag umano ito ng pagpupulong sa mga opisyal doon para talakayin ang nasabing usapin.

PInasalamatan naman ni Department of Tourism Secretary Christina Frasco ang gobernador dahil sa pagtutuk agad sa nasabing usapin.