Pansamantalang inihinto ng Boeing ang paggamit ng 737 Max aircraft sa buong mundo.

Kasunod ito ng madugong pagbagsak ng Ethiopian Airlines na ikinasawi ng 157 katao.

Ayon sa US plane-maker na kanilang sususpendihin ang operasyon ang may 371 na eroplano.

Sinabi naman ng Federal Aviation Administration na may nakita silang bagong ebidensiya ganun din ang problema sa satellite kay nagdesisyon silang temporaryong itigil ang nasabing operasyon.

Nauna ng itinigil ng ilang bansa ang paggamit ng nasabing eroplano dahil na rin sa pangamba na mangyari sa kanilla ang nasabing insidente.