-- Advertisements --

Inumpisahan na ring ipamahagi ng Bureau of Customs- Port of Clark ang mga abandonadong balikbayan boxes sa mga pamilyang recipient nito sa iba’t ibang lalawigan sa Gitnang Luzon.

Nasa kabuuang 162 balikbayan boxes ang kanilang ipamamahagi base sa kautusan ni Customs Commissioner Yogi Filemon Ruiz na dapat matanggap na ang mga ito ng mga pamilya ng mga overseas Filipino workers (OFWs) na biktima ng mga pasaway na consolidators sa ibang bansa.

Ipamamahagi ito sa mga recipient sa mga lalawigan ng Pampanga, Bulacan, Tarlac, Nueva, Ecija, at Aurora.

Nasa 69 balikbayan boxes na ang unang naibigay sa lehitimong may-ari ng mga ito nitong Enero 5.

Maaaring magtungo naman sa Port of Clark ang mga naghihintay na recipient para makuha ang kanilang boxes mula Lunes hanggang Biyernes, alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon.

Patuloy na rin ang pamamahagi ng mga inabandonang balikbayan boxes sa iba’t ibang bahagi ng bansa na dapat ay nitong Disyembre pa natanggap ng mga recipients.