-- Advertisements --

Patuloy na nakikipagtulungan ang Bureau of Customs (BOC) sa Department of Migrant Workers (DMW) para mapanagot ang mga consolidators o freight forwarders na nag-abandona ng ilang libong balikbayan boxes mula sa middle east.

Ayon kay BOC spokesperson Arnaldo dela Torre Jr, na patuloy ang kanilang ginagawang imbestisgayon para malaman ang pagkakilanlan ng mga kumpanya at sila ay maharap sa karampatang kaso.

Reaksyon ito ng Customs offiicial matapos na dagsain ng mga tao ang bodega sa Balagtas, Bulacan na umaasang matatanggap na nila ang mga packages na ipinadala ng kanilang mahal sa buhay.

Subalit nagkaroong lamang ng tensiyon ng sabihin sa kanila ng representative ng bodega na hindi nila muna ipapasakamay ang mga pacages.

Sa darating na Nobyembre 9 ay magsasagawa ang mga ito ng imbentaryo para maayos ang pagdeliver sa mga tatanggap ng mga balikbayan boxers.