Inihayag ng Presidential Communications Office (PCO) na nagsampa na ang Bureau of Customs (BOC) sa Department of Justice (DOJ) ng mga kasong smuggling laban sa mga rice importers a Bulacan, habang ang mga kaso naman para pagsasampa sa nasabat na smuggled rice Zamboanga City ay binibuild up pa.
Sa isang pahayag, sinabi ng PCO na nagsasampa at naghahanda na ang ahensiya ng pagsasampa ng kaso laban sa rice smugglers at hoarders habang naglabas din ito ng Warrants of Seizure and Detention (WSD) laban sa iba pang warehouses na nadiskubreng may libu-libong sako ng bigas.
Base sa abogadong si William Balayo, ang acting director ng BOC’s Legal Service, ibinahagi ng PCO na nagsampa ng tatlong kaso ng economic sabotage ang ahensiya laban sa tatlong importer noong weekend, habang ang isa naman ay para sa paglabag sa Customs Modernization and Tariff Act (CMTA) sa ilalim ng Agricultural Product Smuggling.
Nag-ugat ang mga kaso matapos ang inspeksyon na isinagawa ng BOC noong Agosto 24 sa Bulacan kung saan nadiskubre ng bureau ang 200,000 sako ng bigas sa apat na magkakaibang bodega na naging dahilan ng pag-iisyu ng Warrants of Seizure and Detention. Nitong Setyembre 29, nasa 236,571 sako ng bigas nanaman ang nasamsam ng BOC sa mga bodega ng Bulacan.