-- Advertisements --
Ipinagmalaki ng Bureau of Customs (BOC) ang mataas na collections nila ng unang 10 buwan ng 2022.
Ayon sa BOC na pumalo na sa P745.5 billion ang kanilang kabuuang collection o mas mataas ng P721.52 billion na itinakda ng Development Budget Coordination Committee.
Mas mataas rin ito ng 1.7 percen sa revenue goal ng BOC ngayong taon na P733 billion.
Sinabi ni Customs Commissioner Yogi Filemon Ruiz na lahat ng 17 collection districts ng BOC ay nakaabot na ng kanilang collection targets.
Itinuturing din nito na record-high ang collection ng ahensiya.










