-- Advertisements --

Iimbestigahan na rin ng Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) ang Bureau of Customs (BOC) dahil sa hindi pa umano inaksyunang shipment ng mga iligal na sigarilyo.

Batay kay PACC chairman Dante Jimenez, kasama sa sisiyasatin ang mga opisyal at tauhan ng naturang kawanihan.

Duda ng komisyon, hindi man lang idinaan sa tamang proseso ang nasabat na mga kontrabando.

Nabatid na aabot sa 11 containers ang naharang ng mga otoridad, ngunit hanggang ngayon ay walang kasong naihahain sa mga ito, kahit sa korte o maging sa Department of Justice (DoJ).

“As of the present time, no case has been filed by the BOC against the Ocean World Enterprises and its broker/s with the courts or with the Department of Justice (DoJ),” wika ni Jimenez.

Tumanggi muna si Jimenez na pangalanan ang mga opisyal na kakaladkarin nila sa malalimang imbestigasyon, lalo’t inihahanda pa lang ang magiging setup ng pagsisiyasat.