Inanunsyo ng Bureau of Customs (BOC) na halos 100% ng mga proseso nito ay na-digitalize na dahil layunin nitong mas pasimplehin ang trade facilitation sa bansa.
Sa isang pahayag, sinabi ng Bureau of Customs na nakipagpulong si Customs Commissioner Bienvenido Rubio kay American Chamber of Commerce (AmCham) of the Philippines Executive Director Ebb Hinchliffe kung saan itinampok niya na 96.39% ng mga proseso ng Customs ay na-digitalize.
Ito ay nagpabilis sa pagproseso ng mga kargamento habang pinapasimple at sinisiguro ang pagpapadali ng kalakalan.
Tinalakay din nina Rubio at Hinchcliffe ang iba’t ibang isyu at alalahanin na nakakaapekto sa mga negosyo ng Amerika at Pilipinas.
Partikular na pinag-usapan ng dalawang opisyal ang mga copncerns sa customs trade procedure and guidelines.
Gayundin ang control and security measures para sa mga kalakal na papasok at lalabas ng ating bansa.
Giit ni Rubio, na sa pakikitulungan sa iba pang mga stakeholders, makakamit ng Pilipinas ang kontribusyon para sa socio-economic growth ng ating bansa.