-- Advertisements --

Pumirma na ng kontrata sa Nagoya Diamond Dolphins sa Japan Basketball league si Ray Parks.

Kinumpirma ito ng koponan na kasama na nila ang ng 6-foot-4 guard sa ilalim ng Asian Player Quota rule.

Nakakuha si Parks ng go-signal mula sa koponan nito sa PBA na Talk ‘N Text.

Ang Nagoya ay naglalaro sa first divisioin ng liga kung saan mayroon ng anim na Pinoy players ang naglalaro sa nasabing liga.

Nauna ng pumirma sa paglalaro si Thirdy Ravena sa San-En Neo Phoenix habang ang kapatid nitong si Kiefer ay kinuha ng Shiga Lakestar kapag nakumpleto na nito ang 2021 PBA Philippine Cup sa koponan nitong NLEX.

-- Advertisement --

Maglalaro naman siJavi Gomez de Liaño sa Ibaraki Robots haban ang kapatid nitong si Juan ay sa Earth Friends Tokyo Z sa second division.

Bago kay Parks ay kinuha rin ang Pinoy basketball player na si Kemark Carino sa Aomori Wat’s sa Division 2.